إعدادات العرض
Tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita. Umungol ang langit at nagkaroon ito ng karapatang umungol. Wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita. Umungol ang langit at nagkaroon ito ng karapatang umungol. Wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ako ay nakakikita ng hindi ninyo nakikita. Umungol ang langit at nagkaroon ito ng karapatang umungol. Wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Sumpa man kay Allāh, kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman ko, talagang tatawa kayo nang madalang at talagang iiyak kayo nang madalas. Hindi kayo masisiyahan sa mga babae sa mga higaan at talagang pupunta kayo sa mga daan at magsusumamo kayo kay Allāh, pagkataas-taas Niya."
[Maganda dahil sa iba pa rito] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na ako ay nakakikita at nakaaalam ng hindi ninyo nakikita at hindi ninyo nalalaman. May naganap sa langit na pagtunog gaya ng pag-ungol ng sasakyang kamelyo kapag sinakyan iyon. Nagkaroon ito ng karapatang umungol sapagkat wala roong isang puwang ng singluwag ng apat na daliri malibang may isang anghel na naglalapag ng noo nito bilang nagpapatirapa kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Sumpa man kay Allāh, kung sakaling nalalaman ninyo ang nalalaman kong kadakilaan ng pagpipitagan kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at katindihan ng paghihiganti Niya, talagang tatawa kayo nang madalang at talagang iiyak kayo nang madalas, hindi kayo masisiyahan sa mga babae sa mga higaan dahil sa tindi ng pangamba, at talagang pupunta kayo sa mga daanan habang nagtataas ng mga tinig ninyo sa pagpapasaklolo kay Allāh, pagkataas-taas Niya.