Nang mangyari [ang pandarambong sa] Uhud,Tinawag ako ng ama ko sa isang gabi at nagsabi siya:Wala akong ibang naiisip kundi unang-una akong mamatay sa sinumang mamatay sa mga kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na…

Nang mangyari [ang pandarambong sa] Uhud,Tinawag ako ng ama ko sa isang gabi at nagsabi siya:Wala akong ibang naiisip kundi unang-una akong mamatay sa sinumang mamatay sa mga kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na maging pinakamamahal para sa akin mula sa iyo,maliban sa buhay ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At tunay na ako ay nag-utang,kaya bayaran ito,At magtagubilin ka sa mga kapatid mo ng kabutihan,

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nang mangyari [ang pandarambong sa] Uhud,Tinawag ako ng ama ko sa isang gabi at nagsabi siya:Wala akong ibang naiisip kundi unang-una akong mamatay sa sinumang mamatay sa mga kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na maging pinakamamahal para sa akin mula sa iyo,maliban sa buhay ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At tunay na ako ay nag-utang,kaya bayaran ito,At magtagubilin ka sa mga kapatid mo ng kabutihan,At nang inumagahan kami,siya ang unang-unang namatay,at inilibing ko ang iba na kasama sa libingan niya,Pagkatapos ay hindi naging mabuti sa sarili ko na hayaan ko siyang may kasama,kaya inilabas ko siya pagkaraan ng anim na buwan,Kung-kaya`t siya ay kahalintulad sa araw ng paglagay ko sa kanya maliban sa tainga niya,at inilagay ko siya sa isang libingan na nag-iisa.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ginising ni `Abdullah bin Haram ang anak niya na si Jaber sa isang gabi mula sa mga gabi,At sinabi niya sa kanya;Tunay na inaakala kong ako ang unang-unang mamatay kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay bago mangyari ang pandarambong sa Uhud,pagkatapos ay nagtagubilin siya at nagsabi:Hinding hindi ko hahayaan ang isa sa sinumang nasa likod ko na maging pinakamamahal sa iyo,maliban sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nagtagubilin siya na bayaran ang mga pagkakautang niya at nagtagubilin siya sa mga kapatid niya.Pagkatapos ay nangyari na ang pandarambong,Nakipaglaban siya malugod si Allah sa kanya-at nasawi siya,At ang bilang ng nasawi sa araw na yaon ay pitumpong kalalakihan,kaya mahirap sa mga Muslim na ilibing ang bawat isang lalaki sa isang libingan,Kaya inilibing nila ang dalawa at tatlo sa isang libingan,kaya nailibing si `Abdullah bin haram kasama ang ibang lalaki,Ngunit si Jaber malugod si Allah sa kanya-ay hindi naging masaya ang sarili niya hanggang sa mahiwalay niya ama niya sa sinumang naging kasama nito sa libingan,Kaya hinukay niya ito pagkaraan ng anim na buwan sa paglibing niya at natagpuan niya ito na para bang inilibing lang sa araw na yaon,Walang nabago sa kanya maliban sa isang maliit na bagay sa tainga niya,pagkatapos ay pinag-isa niya ito sa loob ng isang libingan.

التصنيفات

Ang Jihād