Ang Jihād
14- Ang Sugi ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagtalaga ng Pinuno sa mga hukbo o piraso sa mga hukbo,pinapayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah,at ang sa mga kasamahan nito na mga Muslim,sa kabutihan.Nagsabi siya:(( Makipag-darambong kayo sa Pangalan ni Allah, sa daan ni Allah,makipaglaban kayo sa sinumang walang-pananampalataya kay Allah,makipaglaban kayo at huwag kayong manguha ng darambong,at huwag kayong lumabag sa napagkasunduan,at huwag kayong pumatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at huwag kayong pumatay ng bata,at kapag nakaharap mo ang kalaban mo mula sa mga pagano,anyayahan mo sila sa tatlong katangin-o sa pamamagitan -At kahit na ano ang isinagot nila sa iyo,tanggapin mo ito mula sa kanila,at pigilan ang iyong kamay sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islam,at kapag sinagot ka nila ay tanggapin mo ito mula sa kanila,pagkatapos ay anyayahan mo sila sa paglipat mula sa mga tahanan nila papunta sa mga tahanan ng mga Nagsilikas(Madinah),At ibalita mo sa kanila,na kapag ginawa nila iyon,mapapa-sa kanila ang anumang para sa mga manlilikas(Muhajireen) at hindi mapapa-sa kanila ang hindi para sa mga manlilikas(Muhajireen),at kapag tumanggi sila na lumipat dito,ibalita mo sa kanila na sila ay magiging katulad ng mga Arabong Muslim,maipapatupad sa kanila ang Panuntunan ni Allah-pagkataas-taas Niya,at walang maibibigay sa kanila sa nadambong at sa Al-Fay(kayamanan na nakuha sa mga Kuffar na hindi nakuha sa pakikipaglaban) kahit konti.maliban kung makikipaglaban sila(sa daan ni Allah)kasama ang mga Muslim.At kapag sila ay tumanggi,singilin mo sa kanila ang Buwis,at kapag ito ay tinanggap nila sa iyo,tanggapin mo ito sa kanila,at pigilan mo ang iyong kamay sa kanila,at kapag sila ay tumanggi,humingi ka nang tulong kay Allah at makipaglaban ka sa kanila.At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,at ninais nila na ilagay mo sila sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng Propeta Niya,huwag mo silang ilagay sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ilagay mo sila sa Kasunduan mo at sa Kasunduan ng mga kasamahan mo,sapagkat ang paglabag sa Kasunduan ninyo at sa Kasunduan ng mga kasamahan ninyo ay mas magaan mula sa paglabag ninyo sa Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta ,At kapag napaligiran mo ang mga tao sa kampo nila,At ninais nila na ipataw mo sa kanila ang Panuntunan ni Allah,huwag mo itong ipataw sa kanila,ngunit ipataw mo sila sa panuntunan mo,sapagkat hindi mo napag-alaman,kung napag-wasto ba nila ang Panuntunan ni Allah o hindi.