Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito}sa (taong) nasa labas, sa pamilya nito at sa yaman nito para sa kabutihan,mapapasa kanya ang kalahati ng gantimpala nang nasa labas

Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito}sa (taong) nasa labas, sa pamilya nito at sa yaman nito para sa kabutihan,mapapasa kanya ang kalahati ng gantimpala nang nasa labas

Ayon kay Abe Saed aL-Khudri-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala sa tribo ng Lahyan, Nagsabi siya:((Katotohanang lalabas sa bawat dalawang lalaki ang isa sa kanila;at ang gantimpala ay mapapasa-kanilang dalawa)) at sa isang salaysay:(( Katotohanang lalabas mula dalawang lalaki ang isang lalaki)) Pagkatapos ay nagsabi siya sa Namumuno:(( Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito}sa (taong) nasa labas, sa pamilya nito at sa yaman nito para sa kabutihan,mapapasa kanya ang kalahati ng gantimpala nang nasa labas.))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naisalaysay sa Hadith ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagnais na magpadala ng Hukbong Sandatahan sa tribo ng Lahyan,at sila ang pinakatanyag sa tribo ng Hudhayl. At nagka-isa ang mga may kaalaman na ang tribo ng Lahyan sa panahong yaon ay hindi pa mananampalataya,kaya`t ipinadala sa kanila {ng Propeta} ang ipinadalang makikipandarambong sa kanila.( Nagsabi siya) sa mga Hukbo ng Sandatahan:(Katotohanang lalabas sa bawat dalawang lalaki ang isa sa kanila) at ang ipinapahiwatig nito,sa bawat tribo ay ang kalahating bilang nito.( At ang gantimpala);Ay ang kabuuan na makakamit ng nandarambong at ang pumalit {gumanap sa responsibiladad nito} sa kanya sa kabutihan ( sa pagitan nilang dalawa) ito ay ang kahulugan ng Hadtih na nauna:(( At sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad } ng Nandarambong,ay tunay na nandarambong)) At sa Hadith ni Imam Muslim:((Sinuman ang pumalit {gumanap sa responsibiladad } nang nasa labas,sa pamilya nito at sa yaman nito,sa kabutihan,mapapasakanya ang tulad ng kalahati ng gantimpala nang nasa labas)) At ang kahulugan nito ay: Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa kanila na lumabas ang isa sa kanila at manatili ang isa upang pumalit {gumanap sa responsibiladad } nag nandarambong sa pamilya nito at mapapasakanya ang kalahati ng gantimpala nito;Sapagkat ang pangalawang kalahati ay para sa nandarambong.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād