إعدادات العرض
Walang isang papasok sa Paraiso na iibiging bumalik sa Mundo at magkamit ng anumang nasa Lupa maliban sa martir. Minimithi niyang bumalik sa mundo at mapapatay nang sampung ulit dahil sa nakikita niyang karangalan.
Walang isang papasok sa Paraiso na iibiging bumalik sa Mundo at magkamit ng anumang nasa Lupa maliban sa martir. Minimithi niyang bumalik sa mundo at mapapatay nang sampung ulit dahil sa nakikita niyang karangalan.
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Walang isang papasok sa Paraiso na iibiging bumalik sa Mundo at magkamit ng anumang nasa Lupa maliban sa martir. Minimithi niyang bumalik sa mundo at mapapatay nang sampung ulit dahil sa nakikita niyang karangalan." Sa isang sanaysay: "dahil sa nakikita niyang kalamangan ng pagkamartir."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Walang isang magmimithi o nanaising mawalay sa Paraiso matapos makapasok doon at bumalik sa Mundo muli. Kahit pa man ibigay sa kanya ang buong Mundo kalakip ng nilalaman nito ng mga kayamanan at mga mamahaling bagay at nasa ibabaw nito na mga palasyong mataas at mga hardin ng pagkamayaman. Pagkatapos ay ibinukod mula roon ang martir sapagkat tunay na siya ay ibig bumalik sa Mundo nang sampung ulit upang makibaka sa tuwina sa landas ni Allāh at maging martir kaya naman matatamo niya dahil sa pagkamartir ang gantimpalang sampung ulit kapalit ng isang ulit. Iyon ay dahil sa nakikita niyang karangalang nakakatagpo ng mga martir.التصنيفات
Ang Kalamangan ng Jihād