Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh sa yugtong dalawang paggagatas sa inahing kamelyo, magiging karapatan sa kanya ang Paraiso.

Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh sa yugtong dalawang paggagatas sa inahing kamelyo, magiging karapatan sa kanya ang Paraiso.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "May naparaang isang lalaki kabilang sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang lambak na may isang batis ng tubig tabang kaya ikinatuwa niya ito at nagsabi: Kung bumukod kaya ako sa mga tao at manatili ako sa lambak na ito? Hindi ko gagawin hanggang sa nakapagpaalam ako sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Binanggit niya iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagsabi ito: Huwag mong gawin sapagkat tunay na ang pinananatilihan ng isa sa inyo sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya nang pitumpong taon. Hindi ba ninyo iniibig na magpatawad si Allāh sa inyo at magpapasok sa inyo sa Paraiso? Sumalakay kayo sa landas ni Allāh. Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh sa yugtong dalawang paggagatas sa inahing kamelyo, magiging karapatan sa kanya ang Paraiso."

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ang kahulugan ang ḥadīth: Na may isang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naparaan sa isang lambak sa bundok. Sa lambak ay may isang isang bukal na sa loob nito ay may tubig tabang. Ikinatuwa niya ang bukal na iyon at ninais niyang bumukod sa mga tao, manatili sa lugar na iyon, sumamba kay Allāh, at uminom mula sa bukal na iyon ngunit siya ay nagsabi: "Hindi ko gagawin hanggang sa magpaalam ako sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Binanggit niya iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "Huwag mong gawin." Ipinagbawal sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, iyon dahil ang pagsalakay ay isinatungkulin na sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi ito sa kanya: "sapagkat tunay na ang pinananatilihan ng isa sa inyo sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya nang pitumpong taon." Ang kahulugan: Na ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa paglalaan ng sarili sa pagdarasal nang pitumpong taon. Iyon ay dahil sa ang pakikibaka , ang pakinabang nito ay nalilipat sa iba, na salungat naman sa pagdarasal sapagkat ang pakinabang nito ay limitado sa nagsagawa ng pagsamba. " Ang "Hindi ba ninyo iniibig na magpatawad sa inyo si Allāh at magpapasok sa inyo sa Paraiso?" ay nangangahulugang: Kapag kayo ay ibig na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapasok sa inyo sa Paraiso, kailangan sa inyo ang pagsalakay sa landas ni Allāh bilang mga nagtitiis habang umaasa sa gantimpala [ni Allāh]. Pagkatapos ay nilinaw niya ang kalamangan nito sa sabi niya: "Ang sinumang nakipaglaban sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, upang itaas ang salita ni Allāh, naging karapatan niya ang Paraiso kahit pa man ang pakikilahok niya sa labanan ay sa loob ng maikling yugto.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād