إعدادات العرض
Ang sinumang hindi nakilahok sa pakikibaka o nagbibigay sa nakikibaka ng kakailangin o humalili sa nakikibaka sa mag-anak nito nang mabuti, padadapuan siya ni Allah ng isang dagok bago ang Araw ng Pagkabuhay.
Ang sinumang hindi nakilahok sa pakikibaka o nagbibigay sa nakikibaka ng kakailangin o humalili sa nakikibaka sa mag-anak nito nang mabuti, padadapuan siya ni Allah ng isang dagok bago ang Araw ng Pagkabuhay.
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang hindi nakilahok sa pakikibaka o nagbibigay sa nakikibaka ng kakailangin o humalili sa nakikibaka sa mag-anak nito nang mabuti, padadapuan siya ni Allah ng isang dagok bago ang Araw ng Pagkabuhay."
[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdîالشرح
Nasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa pakikibaka at ang paglilinaw sa matinding parusa mula kay Allah sa Mundo bago ang Kabilang-buhay sa sinumang iniwan ang pakikibaka sa landas ni Allah o iniwan ang pagtulong sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng salapi o sa pag-alalay sa kanila sa pagkalinga sa mga mag-anak nila at pangangalaga sa mga ito habang wala sila. Ang mga tumigil sa pagsasagawa sa mga bagay na ito, dadapuan sila ng mga malaking kasawian resulta ng pagkukulang niya sa pagtulong sa Relihiyon ni Allah.التصنيفات
Ang Kalamangan ng Jihād