Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito

Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito

Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananatili sa lugar na nasa pagitan ng mga Muslim at mga tagatangging sumampalataya para sa pagtatanod sa mga Muslim mula sa mga iyon sa iisang araw habang nagpapakawagas kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito; na ang puwestong singnipis ng latigo na nakikibaka siya rito sa landas ni Allāh, sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito; na ang pabuya at ang gantimpala ng pagbiyahe sa rawḥah, ang oras na mula sa simula ng maghapon hanggang sa simula ng oras ng tanghali, o sa ghadwah, ang oras na mula sa tanghali hanggang sa gabi, sa landas ni Allāh nang iisang beses ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagbabantay ng hangganan sa landas ni Allāh ay dahil sa dulot nito na pakikipagsapalaran ng sarili at dahil sa inireresulta rito na pagtataas ng Salita ni Allāh at pag-aadya ng Relihiyon Niya. Dahil dito, tunay na ang gantimpala sa iisang araw ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito.

Ang pagkahamak ng Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay dahil ang puwestong singnipis ng latigo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito.

Ang kainaman ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ang bigat ng gantimpala nito dahil ang gantimpala ng paglalakbay sa iisang rawḥah o ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito.

Ang sabi niya na: "sa landas ni Allāh" ay nagsaad ng katunayan ng kahalagahan ng pagpapakawagas at na ang pabuya ay inireresulta rito.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos, Ang Kalamangan ng Jihād