Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang.

Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang.

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang pagkamartir ay nagtatakip-sala sa lahat ng mga pagkakasala, ang maliit sa mga ito at ang malaki sa mga ito, maliban sa utang. Tunay na ang utang ay hindi natatakpang-sala dahil sa bigat ng karapatan ng mga nilikha lalo na ang mga salapi sapagkat tunay ang mga ito ay pinakamahal na bagay sa ganang kanila. Naisasama sa utang ang anumang nauugnay sa pananagutan niya mula sa mga nalabag na karapatan ng mga Muslim gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pagtataksil. Tunay na ang pakikibaka, ang pagkamartir, at iba pa sa dalawang ito na mga gawain ng kabutihan ay hindi nakapagtatakip-sala sa mga nalabag na karapatan ng mga tao; nagtatakip-sala lamang ito sa mga nalabag na karapatan ni Allah.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād