إعدادات العرض
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî Kiswahili Português தமிழ்الشرح
Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na mayroon sa mga tao na hindi nag-iisip, kapag nagnais magsalita, kung ang pananalitang ito na sasabihin niya ay mabuti o hindi. Ang resulta ay na ang nagsasalitang ito ay nasasadlak sa ipinagbabawal dahil sa kawalan ng pag-iisip na ito. Isinusuong niya ang sarili niya sa parusa ni Allah sa apoy ng Impiyerno - magpakupkop kay Allah - at marahil babagsak siya sa Impiyerno sa layong higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.