Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni…

Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mata niya

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: ((Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mata niya, kinagat ko ito at nilinis ko,pagkatapos ay ibinigay ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginamit niya ito sa paglilinis ng kanyang mga ngipin-At wala pa akong nakitang mas hihigit pa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa husay ng paglilinis ng ngipin.At maliban dito,pagkatapos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-itinaas niya ang mga kamay niya-o ang daliri niya-pagkatapos ay sinabi niyang: Sa mataas na antas ng kalangitan-tatlong beses-Pagkatapos ay pumanaw siya,At siya ay nagsasabing : Namatay siya sa pagitan ng tiyan ko at nang baba ko))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Binabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.ang kuwento, na magpapahayag sa atin sa pagmaamahal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Siwak at ang pagkagiliw niya rito,Ito ay habang si `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya- kapatid ni `Aishah-ay pumasok sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -sa oras ng kanyang pag-aagaw buhay,at may dala-dala siyang siwak na basa,ginagamit niya ito sa paglilinis ng kanyang mga ngipin.At nang makita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ang dala-dala ni `Abdurrahman,hindi naging hadlang sa kanya ang kanyang sakit at pag-aagaw buhay,dahil sa pagmamahal niya rito [paggamit ng siwak],kaya tinitigan niya ito sa kanyang paningin na may [pagpapahiwatig] na gusto niya ito.Naunawaan ito ni `Aishah malugod si Allah sa kanya--kaya kinuha niya ang siwak mula sa kapatid niya-Pinutol niya ang dulo ng siwak,sa pamamagitan ng mga ngipin niya,nilinis niya ito at pinaganda-pagkatapos ay ibinigay niya to sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -at ginamit niya ito sa paglilinis ng ngipin.At wala pang nakita si `Aishah na hihigit sa kanya sa husay ng paglilinis ng ngipin niya.At nang naging malinis siya at natapos siya sa paglilinis ng ngipin,itinaas niya ang knyang daliri-bilang pagsisimbolo sa kaisahan ni Allah-Pagkataas-taas Niya-at pinili niya rito ang paglipat kanyang Panginoon-Pagkataas-taas Niya-Pagkatapos ay pumanaw siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-ay nagagalak-at ito ay nararapat sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumanaw at ang ulo nito ay nasa dibdib niya.

التصنيفات

Ang Pagyao Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan