إعدادات العرض
Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito
Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Pumasok ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ako at an dalawang lalaki mula sa angkan ng Tiyuhin ko,Nagsabi ang isa sa kanila:O Sugo ni Allah,Italaga mo kami bilang pinuno sa mga ilang [lugar] na pinapamunuan sa iyo ni Allah-Kamahal-mahalan iya at Kapita-pitagan,At nagsabi ang iba ng tulad nito,Nagsabi siya :((Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdîالشرح
Ang Hadith ay [tungkol sa] pagbabawal sa pagtatalaga ng Pinuno sa sinumang humiling na maging pinuno o magsumikap rito,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nang humiling sa kanya ang dalawang lalaki na maging pinuno sila sa ilang [lugar] na pinapamunuuan ni Allah sa kanya,Nagsabi siya :"Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito" Ibig sabihin: Hindi namin [itinatalaga bilang] pinuno ang sinuman na humiling na maging Tagapamahala sa anumang bagay ay nagsumikap siya rito,Ito ay dahil sa ang humihiling nito o nagsusumikap rito,maaaring ang layunin niya rito ay ang ilagay sa kanyang sarili ang pamamahala,at hindi ang para sa ikabubuti ng nilikha.At nang mangyaring siya ay maaaring akusahan ng akusang ito;Pinagbawalan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na maitalaga bilang pinuno ang sinumang humiling na maging Tagapamahala.At Nagsabi siya: " Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito" At tunay nanapagtibay ang talakayan ng Hadith na ito,ng Hadith ni `Abdurrahman bin Samrah-malugod si Allah sa kanya-Katotohanan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:" Huwag mong hilingin ang maging Taga-pamahala,Sapagkat kapag ipinagkaloob mo ito sa hindi humihiling,natulungan mo siya rito,at kung ipinagkaloob mo ito sa humihiling,[nagkaloob ka] ng pagpapahintulot sa kanya" Kaya hindi nararapat sa isang namumuno,na kapag humiling sa kanya ang sinuman na maging tagapamahala sa isang lugar o sa kapiraso ng lupa na may disyerto o ang mga tulad pa nito,Kahit na ang humihiling nito ay karapat-dapat rito;At gayundin kung ang isa sa mga tao ay humiling tungkol sa paghuhukom;At sasabihin niya sa namumuno [tungkol] sa Paghuhukom tulad ng Ministro ng Katarungan halimbawa:Italaga mo sa akin ang Paghuhukom sa lugar ni Pulano,Tunay na sa kanya ay hindi magtatalaga,Ngunit ang sinumang humiling na mailipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar o ang mga tulad nito, Hindi ito kabilang sa tinutukoy ng Hadith,Sapagkat siya ay nauna ng naitalaga,datapuwat ay hiniling lamang niya na malipat sa ibang lugar,Maliban kung ang intensiyon niya o layunin niya ay ang maging Tagapamahala sa mga Tao sa lugar na ito,Sapagkat [sa ganitong bagay ay] pipigilan natin siya,Kaya`t ang Gawa ay batay sa kanyang Layunin.At kapag sinabi ng tagapagsalita na ,Papaano ninyo sasagutin ang sinabi ni Propeta Yusuf-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Tagapamahala [ng Lupain]: "Italaga ako bilang Tgapamahala ng mga yaman ng lupain,Katotohanan ako ay may kaalaman bilang ingat-yaman [Bilang isang Ministro ng Panlalapi sa Ehipto]" [Yusof:55],Tunay na tayo ay sasagot sa isa ,mula sa dalawang sagot na ito: Ang una:Ay ang sabihing;Tunay na ang batas ng sinumang nauna sa atin kapag ito ay sumalungat sa batas natin,ang maisasakatuparang hatol ay ang Batas natin,Batay sa batayang napag-alaman ng mga Saligan " Ang batas ng sinumang nauna sa atin,ay batas din natin,kung walang nakasaad sa batas natin na sinasalungat nito." At tunay na may nakasaad sa batas natin na sinasalungat nito ito ay ang: Hindi tayo magtatalaga ng mamamahala sa kahit na sinumang hiniling niya ang pamamahala rito. Ang pangalawa: Ang sabihing: Tunay na si Yusuf-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ay nakita niya na ang [magigig kahihitnan] ng mga yamang [lupain] ay mawawala lamang,at ito ay maabuso at mawawaldas lang,Kaya ninais niyang iligtas ang lugar mula sa pagwawaldas na ito,At sa mga katulad nito,ang magiging layunin nito ang pagtatanggal sa mga masamang pamamahala at masamang gawain,at ito ay ipinapahintulot; Halimbawa :kapag nakita natin ang isang Pinuno sa isang lugar,ngunit winasak niya ang pamamahala at sinira ang mga nilikha,Ang makakabuti sa Pinunong ito kapag wala ng ibang nakita na makakapalit sa kanya,ay ang hilingin sa Namamahala na italaga siya sa lugar na ito,: Sasabihin niya sa kanya:Italaga mo ako sa lugar na ito[bilang pinuno];upang matanggal ang mga kasamaan na napapaloob rito.Ito ay ipinapahintulot at sumasang-ayon sa pinagbabatayan.At ang Hadith ni `Uthman bin Abe Al-`As,Tunay na sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Gawin mo akong Imam [Namumuno sa pagdarasal] sa mga tao ko,Ibig sabihin ay sa Pagdarasal,Nagsabi siya: "Ikaw ang Imam nila"Ang sabi ng mga ilang may kaalaman: Ang Hadith ay tumutukoy sa pagpapahintulot ng paghiling sa Pamamahala para sa kabutihan.At nakasaad sa panalangin ni `Adurrahman,kung saan ang mga inilarawan ni Allah,na sila ay nagsasabi: {At kami ay gawin Ninyong mga pinuno para sa mga Muttaqun [Mga matimtiman at matutuwid na mananampalataya kay Allah]} [74:25],At hindi sa paghiling ng pampangulong kinasusuklaman,Sapagkat ang mga ito ay nagsasa-alang-alang sa pagiging pangulo sa Mundo,kung saan ay hindi makakatulong ang paghiling niya rito at hindi nararapat na ipagkaloob sa kanya.التصنيفات
Ang mga Tungkuling ng Pinuno