إعدادات العرض
Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya.
Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya.
Ayon kay Mu`āwiyah bin Abī Sufyān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdîالشرح
Ipinababatid ni Mu`āwiyah ayon sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagbabawal sa pangungulit sa paghingi. Ibig sabihin: Huwag kayong magpakalabis sa pagpupumilit. Nangungulit sa paghingi kapag nagpupumilit doon. Ang pangungulit na ito ay nag-aalis ng pagpapala sa bagay na ibinigay. Pagkatapos ay nanumpa siya na kapag manghihingi sa kanya ng anuman nang may pangungulit ng isa sa kanila at ibibigay ang hinihingi nito samantalang siya ay naiinis sa pamimilit na magbibigay o sa pagkakabigay na iyon, hindi pagpapalain ito sa ibinigay rito bunsod ng pangungulit.