O Allah, patawarin mo ang mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam

O Allah, patawarin mo ang mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam

Ayon kay Abū `Abdurraḥmān `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagkukuwento ng isang propeta mula sa mga propeta, ang mga pagpapala ni Allah at pangangalaga Niya ay sumakanila. Hinagupit siya ng mga kababayan niya at napadugo nila siya, samantalang siya ay nagpupunas ng dugo sa mukha, nagsasabi siya: O Allah, patawarin mo ang mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagkuwento ang Propeta natin, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng tungkol sa isa sa mga propeta na ang mga kababayan nito ay nanakit dito at pinunasan nito ang dugo sa mukha nito habang siya ay dumadalangin para sa kanila. Ito ay ang sukdulang mangyayaring pagtitiis at pagtitimpi; bagkus, at hindi ito nagkulang sa pagdalangin para sa kanila; bagkus, at humingi ito ng paumanhin para sa kanila bilang pagkaawa sa kanila dahil sa kamangmangan nila sa mga katotohanan ng mga bagay-bagay.

التصنيفات

Ang mga Naunang Propeta at mga Sugo - sumakanila ang pangangalaga