Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga…

Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa.

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Na may isang lalaking may isang babaing nahalikan kaya pumunta ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid nito sa kanya. Kaya ibinaba ni Allāh, pagkataas-taas Niya: Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa." (Qur'an 11:114) Nagsabi ang lalaki: "Ukol ba sa akin ito, o Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ukol sa lahat ng Kalipunan ko - lahat sila."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinababatid sa atin ni Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na may isang lalaki sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na tinatawag na Abū Al-Yusr na humalik sa isang babaing hindi niya kaanu-ano. Nagsisisi sa nangyari sa kanya kaya pumunta siya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ipinabatid nito sa kanya ang nangyari. Kaya nagbaba si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng pumapatungkol sa kanya: "Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon." Nangangahulugan ito: "Dasalin mo ang mga dasal na nasa dalawang dulo ng maghapon: ang ṣubḥ, ang đuhr, at ang `aṣr." "at sa mga bahagi ng gabi" ay nangangahulugang: "at Dasalin mo rin ang dalawang dasal unang bahagi ng gabi: ang maghrib at ang `ishā'. "Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa." ay nangangahulugang: "Tunay na ang limang dasal ay panakip-sala sa mga maliliit na pagkakasala." "Kabilang sa mga ito ang ginawa mo," [sabi ng Propeta]. Kaya nagsabi ang lalaki: "Ukol po ba sa akin ito?" Ibig sabihin: "Ito ba ay panakip-sala para sa akin na pansarili, o para sa mga tao na pangkalahatan?" Nagsabi siya: "Para sa lahat ng kalipunan ko." Ibig sabihin: Na ang limang dasal na ito ay panakip-sala ukol sa sinumang nakagawa niyon mula sa lahat ng kalipunan ko. Naisanaysay ni Abū Al-Yusr ang kuwentong ito: "Pinuntahan ako ng isang babaing nagtitinda ng datiles at sinabi ko: Tunay na sa bahay ay may datiles na higit na mainam kaysa riyan. Kaya pumasok ito sa bahay kasama ko. Naakit ako sa kanya kaya hinalikan ko siya. Pinuntahan ko si Abū Bakr at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Pagtakpan mo ang sarili mo. Magsisi ka at huwag mong ipabatid sa isa man. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko si `Umar at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Pagtakpan mo ang sarili mo. Magsisi ka at huwag mong ipabatid sa isa man. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit ko iyon sa kanya, kaya nagsabi siya: Nakitungo ka ba sa isang mandirigma sa landas ni Allāh kaugnay sa maybahay niya nang tulad nito? Sa gayon minithi niya na sana siya ay yumakap sa Islām nang oras na iyon lamang hanggang ipinagpalagay niya na siya ay mapabibilang na sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagsabi ito: Yumuko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang matagal hanggang sa nagsiwalat si Allāh sa kanya: 'Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi.' hanggang sa sinabi Niya:...isang paalaala para sa mga umaalaala.' Nagsabi si Abū Al-Yasr: Kaya pumunta ako sa kanya at binigkas ito sa akin ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ang mga kasahaman niya: O Sugo ni Allāh, ukol dito ba sa pansarili, o ukol sa mga tao sa pangkalahatan? Nagsabi siya: Bagkus ukol sa mga tao sa pangkalahatan." Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy (3115). Itinuring ito na maganda ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ wa Ḍa`īf At-Tirmidhīy, numero 3115. Si iba pang ḥadīthn: "Kapag ang isang Muslim ay nagkasala ng isang pagkakasala, pagkatapos ay nagsagawa ng wuḍū' at nagdasal ng dalawang rak`ah, pagkatapos ay humingi ng tawad kay Allāh, pagtaas-taas Niya, para sa pagkakasalang iyon, patatawarin siya." Binigkas niya ang dalawang talata na ito: "Ang sinumang gumagawa ng kasamaan o lumabag sa katarungan sa sarili niya at pagkatapos ay hihingi siya ng kapatawaran kay Allāh, matatagpuan niya na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain." (Qur'an 4:110) at "na mga kapag nakagawa ng mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila..." (Qur'an 3:134) Isinaysay ito ni Aḥmad, numero 47. Itinuring na tumpak ang isnād nito ni Aḥmad Shākir. Ito ay bahagi ng lawak ng awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya na ginawa Niya ang limang dasal at mga kusang-loob na dasal bilang panakip-sala sa mga pagkakasala nila dahil kung hindi mapapahamak sila.

التصنيفات

Ang Pagbabalik-loob