Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang sinumang humaba ang buhay niya at gumanda ang gawa niya

Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang sinumang humaba ang buhay niya at gumanda ang gawa niya

Ayon kay `Abdullāh bin Busr Al-Aslamīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang sinumang humaba ang buhay niya at gumanda ang gawa niya."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth na ito ay na ang tao sa tuwing humahaba ang buhay niya sa pagtalima kay Allāh ay nadaragdagan ang kalapitan niya kay Allāh dahil ang bawat gawaing ginagawa niya habang nadaragdagan ang edad niya ay nagpapalapit sa kanya sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang pinakamainam sa tao ay ang sinumang pinagtagumpay na magkaroon ng dalawang bagay na ito: ang haba ng buhay at ang ganda ng gawain. Ang haba ng buhay ay hindi maganda sa tao malibang kapag gumanda ang gawain niya sa pagtalima kay Allāh dahil magkaminsan ang haba ng buhay ay nagiging masama sa tao at kapinsalaan sa kanya gaya ng nasaad sa ibang ḥadīth: "Alin sa mga tao ang mabuti? Sinabi niya: Ang sinumang humaba ang buhay niya at ang gumanda ang gawa niya. Sinabi: Alin sa mga tao ang masama? Sinabi niya: Ang sinumang humaba ang buhay niya at sumagwa ang gawa niya." Isinaysay ito nina Abū Dāwud at At-Tirmidhīy. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Tirmidhīy. (5/330) numero 2330. Nagsabi si Allāh, mapagpala Siya, at pagkataas-taas: "Huwag ngang aakalain ng mga tumangging sumampalataya na ang pagpapatagal Namin sa kanila ay mabuti sa mga sarili nila; nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila sa kasalanan at ukol sa kanila ay nakahihiyang pagdurusa." (Qur'an 3:178) Ang mga tumatangging sumampalaaya na ito ay nagpapalugit si Allāh sa kanila. Ibig sabihin: Pinagkakalooban sila ng panustos, kalusugan, haba ng buhay, mga anak, at mga asawa hindi para sa ikabubuti nila bagkus para sa ikasasama nila. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh dahil sila ay madadagdagan ng kasalanan dahil doon. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy, kaaawaan siya ni Allāh: "Ang mga panahon at ang mga oras ay gaya ng puhunan para sa mangangalakal kaya nararapat na mangalakal ng anumang tutubo dahil doon. Kapag ang puhunan ay malaki ang tubo ay higit na malaki. Ang sinumang gumugol ng panahon sa kabutihan niya ay magwawagi at magtatagumpay. Ang sinumang nagsayang ng pahunan niya ay hindi tutubo at malulugi ng malinaw na pagkalugi."

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos