Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban.

Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban.

Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban. Ayon kay Abū Sa`īd `Amr bin Ḥurayth, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng itim na turban na inilugay nga niya ang mga dulo nito sa pagitan ng mga balikat niya." Sa isang sanaysay: "ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagtalumpati sa mga tao habang nakasuot siya ng itim na turban."

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya]

الشرح

Nasaad sa ḥadīth ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay pumasok, nang taon ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban. Kaya naman nagsasaad ito ng pagpapahintulot sa pagsusuot ng mga damit na itim. Sa ibang sanaysay: "nagtalumpati sa mga tao habang nakasuot siya ng itim na turban." Nagsasaad ito ng pagpapahintulot sa pagsusuot ng itim sa khuṭbah, kahit pa man ang kulay puti ay higit na mainam kaysa itim gaya ng napagtibay sa ḥadīth na tumpak: "Ang pinakamabuti sa mga damit ninyo ay ang puti." Ang pagsusuot naman ng damit na itim ng mga khaṭīb sa sandali ng khuṭbah ay ipinahihintulot, subalit ang pinakamainam ay ang puti. Isinuot niya lamang ang itim na turban sa ḥadīth na ito bilang isang paglilinaw sa pagpapahintulot. Ang sabi naman ni `Amr bin Ḥurayth sa iba pang ḥadīth: "Para bang ako ay nakatingin sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng itim na turban na inilugay nga niya ang magkabilang dulot nito sa pagitan ng magkabilang balikat." ay kabilang sa nagpapatunay sa pagpapahintulot sa pagiging itim ng turban, na nakalugay sa pagitan ng mga balikat.

التصنيفات

Ang Pananamit Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan