إعدادات العرض
1- {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
2- Wala pa akong nakita na may buhok [hanggang sa balikat] sa damit na pula,na higit na maganda mula sa Sugo ni Allah-
3- Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa tolda,sa kanya ay mayroong pula mula sa suot ng Angkan ni Adan,Nagsabi siya:Naglabas si Bilal ng lalagyan [ng tubig para sa Wudhu],kinuha niya ang natitirang tubig at lalagyan.
4- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok, nang araw ng pagsakop, sa Makkah habang nakasuot siya ng itim na turban.
5- Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga habang nakasuot siya ng isang damit na may mga larawang sintadera, na yari sa buhok na itim.
6- Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang nakasuot siya ng dalawang kasuutang luntian.
7- Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa.