Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.

Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang ḥadīth na ito ay may kuwento at ito ay pinaikli rito: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay "bumili mula sa kanya ng isang kamelyo..." Nangangahulugan ito: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula kay Jābir, malugod si Allāh dito, ng isang kamelyo. Ang "kaya tumimbang para sa kanya [ng bayad]" ay nangangahulugan: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay tumimbang para sa kanya ng halaga ng kamelyo. Ito ay bahagi ng palihis na pagtukoy sapagkat tunay na ang totoong tagapagtimbang sa ḥadīth na ito ay si Bilāl, malugod si Allāh dito, ayon sa utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gaya ng nasa orihinal ng ḥadīth: "inutusan niya si Bilal na tumimbang para sa akin sa wuqīyah, kaya tumimbang ito para sa akin at nagpakiling ito sa timbang." Nangangahulugan ito: Nagdagdag siya sa timbang ng [bayad] higit sa karapat-dapat kay Jābir, (r), para sa halaga ng kamelyo. Sila dati, noong una, ay nakikipagpalitan ng mga salapi ayon sa timbang hindi sa bilang bagamat nakikipaglitan din sila ng mga ito sa bilang sublit ang madalas ay sa timbang.

التصنيفات

Ang mga Pagtitinda, Ang mga Kasangkapan Niya, ang mga Gamit Niya, at ang Sandata Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan