إعدادات العرض
1- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang mulāmasah. Ang mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito.
2- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng mga bunga hanggang sa mahinog. Sinabi: "Ano po ang mahinog?" Nagsabi siya: "Hanggang sa mamula." Nagsabi siya: "Ano sa tingin mo kung pinigilan ni Allāh ang [paghinog ng] bunga? Dahil sa ano itinuturing ng isa sa inyo na ipinahihintulot ang ari-arian ng kapatid niya?"
3- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagbibili ng bunga hanggang sa lumitaw ang kaangkupan nito. Ipinagbawal niya sa tagapagbili at tagapamili.
4- Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag pagbentahan ng lalaki ang pinagbebentahan ng kapuwa niya at huwag siyang mag-alok ng kasal sa napangakuan nito ng kasal.
5- Ang pagkuha ng isa sa inyo sa kanyang lubid,pagkatapos ay kukuha siya ng lubid at itatali niya ang mga panggatong sa likod niya at ibibinta niya,pangangalagaan ni Allah [mula sa kahihiyan] dahil rito ang pagmumukha niya,Ay higit na mainam para sa kanya mula sa paghingi sa mga tao,bigyan man nila ito o pagbabawalan
6- Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.
7- Sinuman ang magbinta ng Puno ng Palmerang pinapabunga,Ang magiging bunga nito ay para sa Taong nagbinta,maliban kong kasama ito sa kondisyon ng bumibili
8- Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na salubungin ang mga panindang [dumarating],at ibinta ito ng mga nanahanan sa lugar sa mga taong naninirahan sa Disyerto.
9- Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may Pagtatantiya],;Ang ibinta niya ang bunga ng Harden niya kung ito ay Punong-Palmera;kapalit ng Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Ubas;kapag ibininta niya ito kapalit ng Tuyong-Ubas ,sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Pananim:Kapag ibininta niya ito kapalit ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At ang lahat ng mga ito ay ipinagbawal niya))
10- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitindang ḥabalulḥabalah.
11- Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā.
12- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal [sa pagtanggap] sa bayad sa aso, kaloob sa patotot, at pasalubong sa manghuhula.
13- inuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo.
14- Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan.
15- Timbangin mo at pabigatan nang kaunti.
16- Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng katapatang-loob at pagreregalo nito.
17- Huwag ninyong salubungin ang dumarating na mangangalakal. Huwag sulutin ng ilan sa inyo ang pagtitinda ng iba pa. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag ninyong talian ang mga suso ng mga kamelyo at mga tupa.
18- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa pagtinda ng mga [datiles na] `arīyah sa limang wasq o mababa sa limang wasq.
19- Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito.