Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito.

Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito.

Ayon kay Zayd bin Thābit, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito." Batay kay Imām Muslim: "ayon sa dami nito bilang hinog, habang kinakain nila ito nang manibalang."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ang pagtitinda ng datiles na nasa puno kapalit ng datiles na tulad nito ay ipinagbabawal. Tinatawag itong Muzābanah dahil sa taglay nitong kawalang-katiyakan sa pagkakapantay ng dalawang uring mauugnay sa ribā. Ang mga pera noon gaya ng dinar at dirham ay kakaunti sa unang panahon. Dumarating ang panahon ng manibalang na datiles at ang pagkain nito sa Madīnah at ang mga tao ay mga nangangailangan nito. Ang ilan sa kanila ay walang mga perang maipambibili nito kaya ipinahintulot sa kanila na bilhin ang kinakain nilang manibalang na datiles kapalit ng tuyong datiles upang makain nila habang manibalang kalakip ng pagsasaalang-alang doon sa pagkakapantay ng sukat kung sakali mang ang manibalang ay humantong sa pagkatuyo at maging kharṣ. Ang [datiles na] `arīyah ay isang pagtatangi sa pagbabawal sa Muzābanah.

التصنيفات

Ang Pagtitinda ng mga Propyedad (Asset) at mga Bunga