إعدادات العرض
Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya…
Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Tiếng Việt Português Magyar ქართული Kiswahili සිංහල Română অসমীয়া ไทย मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ ગુજરાતી Nederlands Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa kabilang sa mga tao ay magtrabaho ng alinmang trabaho kahit pa man kumuha siya ng isang lubid saka magtipon siya sa pamamagitan nito ng panggatong na papasanin sa likod niya saka magtinda nito at makakain mula rito o magkawanggawa sa pamamagitan nito at magwalang-pangangailangan sa pamamagitan nito sa mga tao at makapagsanggalang ng mukha niya sa kahamakan ng panghihingi ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi sa mga tao saka magbibigay man sila sa kanya o magkakait man sila sa kanya. Ang panghihingi sa mga tao ay nakahahamak samantalang ang mananampalataya ay kamahal-mahal hindi kahamak-hamak.فوائد الحديث
Ang pag-udyok sa pagpipigil sa panghihingi at ang pagpapakawalang-kinalaman dito.
Ang paghimok sa pagtatrabaho para sa pagtamo ng panustos kahit pa man naaba ang naaatangan ng tungkulin sa isang payak at hamak na gawain sa paningin ng mga tao.
Ang pakikidigmaan ng Islām sa pagpapalimos at katakawan. Dahil doon inobliga niyon ang pagpupunyagi at ang pagtatrabaho, kahit pa man ito ay naging mahirap gaya ng pangangahoy, halimbawa.
Hindi naipahihintulot ang panghihingi sa kabila ng kakayahan sa pagtatrabaho at pagkita ng panustos.
Ang paghingi sa pamahalaan kasabay ng pangangailangan ay pinapayagan. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 9:92): {Walang [maisisi] sa mga kapag pumunta sa iyo upang magpasakay ka sana sa kanila ay nagsabi ka: “Hindi ako nakatatagpo ng maipasasakay ko sa inyo.” Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha dala ng pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo ng maigugugol nila.}
Ang sinumang napilitan sa paghingi at humina sa pagkita at pangangahoy, pinapayagan sa kanya na manghingi ngunit hindi siya mamimilit at mangungulit. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 2:273): {hindi sila nanghihingi sa mga tao nang may pamimilit.}
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang paghimok sa pagkakawanggawa, pagkain mula sa gawain ng kamay, at pagkita sa pamamagitan ng mga gawaing pinapayagan.
التصنيفات
Ang mga Pagtitinda