إعدادات العرض
Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si…
Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilo na ito! Ipinahayag;[ ang talatang] :{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay[ ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa
Ayon kay Ibn Mas`ud `Uqbah bin `Amr Al-`Ansariy Al-Badriy-malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabi: Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilo na ito! Ipinahayag;[ ang talatang] :{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay[ ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Nagsabi si Abu Mas`ud malugod si Allah sa kanya-Nang maibaba ang talata ng Pagkakawanggawa,Ibig sabihin ay ang Talata ,kung saan ay napapaloob rito ang Paghihimuk sa pagkakawanggawa.Nagsabi si Al-Hafiz: Para bang itinuturo niya ang Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: {Kumuha ka [O Muhammad] ng Kawanggawa mula sa kanilang kayamanan upang sila ay mapadalisay nito.at ito ay lalo pang mag-ibayo} Talata ng [Attawbah:103],Hinubog niya ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-na mag-unahan at magpaligsahan sa paggugol ng Kawanggawa sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Ang bawat isa ay nagbubuhat sa abot ng kanyang makakaya mula sa Kawanggawa para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Dumating ang isang lalaki na may dalang napakaraming Kawanggawa;Nagsabi sila: Ito ay pakitang-tao,Hindi niya layunin rito ang Kaluguran ni Allah,At kapag dumating ang isang lalaki na may dala-dalang kaunting Kawanggawa,Nagsasabi sila na:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula rito, At dumating ang isang lalaki na may dala-dalang tatlong kilong [Kawanggawa],Nagsabi sila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilong [Kawanggawa] na ito. Ibinaba ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-:{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay [ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79} Ibig sabihin ay: Pinipintasan nila ang mga Kusang-loob na nagkakawang-gawa at sila yaong hindi nakahanap [upang gugulin sa pagkakawanggawa] maliban sa sarili nilang pagpupunyag, Silang [mga Mapagkuwari] ay pumupuna sa kanila,at sa kanila, {Kaya`t sila ay kanilang tinutuya [Mga mananampalataya], Si Allah ang manunuya sa kanila,at sila ay magtatamo ng kasakit-sakit na kaparusahan},Sila ay nagtutuya sa mga mananampalataya,Kaya`t si Allah ay manunuya sa kanila,Ang Pagpapakupkop ay sa Allah.التصنيفات
Ang Pagpapaimbabaw