"Alin ang kawanggawa na pinakamabigat sa kabayaran?" Nagsabi siya: "Na magkawanggawa ka habang ikaw ay malusog na maramot, na kinatatakutan mo ang karalitaan at minimithi mo ang pagyaman, at huwag mong ipagpaliban hanggang sa nang umabot na [ang kaluluwa] sa lalamunan ay saka mo sasabihing para kay…

"Alin ang kawanggawa na pinakamabigat sa kabayaran?" Nagsabi siya: "Na magkawanggawa ka habang ikaw ay malusog na maramot, na kinatatakutan mo ang karalitaan at minimithi mo ang pagyaman, at huwag mong ipagpaliban hanggang sa nang umabot na [ang kaluluwa] sa lalamunan ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganito, para kay Polano ay ganito, gayong ito ay naging para na kay Polano.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, alin ang kawanggawa na pinakamabigat sa kabayaran?" Nagsabi siya: "Na magkawanggawa habang ikaw ay malusog na maramot, na kinatatakutan mo ang karalitaan at minimithi mo ang pagyaman, at huwag mong ipagpaliban hanggang sa nang umabot na [ang kaluluwa] sa lalamunan ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganito, para kay Polano ay ganito, gayong ito ay naging para na kay Polano."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatanong sa kanya ng pinakamainam na kawanggawa kaya nagsabi siya rito: "Na magkawanggawa ka habang ikaw ay malusog ang katawan, na maramot ang sarili, na pinangangambahan mo ang karalitaan kung tumagal sa iyo ang buhay mo, at hinahangad mo ang pagyaman; at huwag mong antalain ang pagkakawanggawa hanggang sa nang dumating na sa iyo kamatayan at nalaman mong ikaw ay lilisan na sa Mundo ay saka mo sasabihing para kay Polano ay ganitong salapi bilang kawanggawa o habilin at para kay Polano ay ganitong salapi bilang kawanggawa o habilin, gayong ang yaman ay naging para na sa nagmana sa iyo." Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 2/29-30. Dalīl Al-Fāliḥīn, 2/52-53.

التصنيفات

Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob