إعدادات العرض
Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Português Kurdîالشرح
Nagpapabatid si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng `Arafāt. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng medyas sa sandali ng kawalan ng sapatos. Hindi niya binanggit ang pagputol nito sa higit na mababa sa mga bukungbukong. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng salawal para sinumang hindi nakatagpo ng tapis. Hindi isinakundisyon ang pagbiyak nito bilang pagpapagaang mula sa Tagapagbatas na Marunong, napakamaluwalhati Niya.التصنيفات
Ang mga Ipinagbabawal sa Iḥrām