إعدادات العرض
1- Habang ang isang lalaki ay nakatayo sa `Arafah,nahulog ito sa kamelyo niya,Bumagsak ito-o Nagsabi siya: Ibinagsak niya ito- Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Paliguan ninyo siya sa tubig at Puno ng Nabk,At balutin ninyo siya sa damit niya,at huwag ninyo siyang [lagyan ng] pabango,at huwag ninyong takpan ang ulo niya,Sapagkat babangon siya sa Araw ng Pagkabuhay na Tumutugon
2- Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
3- Hindi siya mag-susuot ng damit,mga turban,at mga pantalon,at mga damit(na nababalot ang ulo ),mga sandal( yari sa tela/balat),maliban sa isang taong walang mahanap na sapatos,ay maari siyang magsuot ng sandal ( na yari sa tela/balat),at puputulan niya ang dalawang ito nang mas-mababa pa sa bukong-bukong ng paa niya,at hindi siya mag-susuot na anumang damit na may halong pabango ng Saffron o tina.
4- Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno