Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay…

Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay ang pulpito, narinig namin sa troso ang tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito.

Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Noon ay may isang troso ng datiles na sinasandigan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtatalumpati. Noong nailagay na ang pulpito, nakarinig kami sa troso ng tulad sa tinig ng inahing kamelyo hanggang sa nakababa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at inilagay niya ang kamay niya rito kaya tumahimik ito." Sa isang sanaysay: "Noong isang araw ng Biyernes, naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pulpito at sumigaw ang punong datiles, na sa tabi nito noon ay nagtatalumpati siya, hanggang sa halos mabiyak ito." Sa isa pang sanaysay: "Sumigaw ito gaya ng sigaw ng bata. Bumaba ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, hanggang sa nahawakan niya ito at saka niyakap ito. Nagsimula itong humalinghing gaya ng halinghing ng batang pinatatahimik, hanggang sa tumahan ito. Nagsabi siya: Umiyak ito dahil sa [hinahanp-hanap na] naririnig nito dati na dhikr."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ginawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang isang troso ng datiles bilang isang pulipito niya. Noong pinalitan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, narinig niya ang tinig ng troso at iyak nito dahil sa [hinahanp-hanap na] naririnig nito dati na dhikr.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr, Ang Patnubay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa mga Khuṭbah Niya