إعدادات العرض
Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa…
Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi).
Mula kay Abu said r.a: Katotohanan ang mga tao mula sa ansar ay nag-hingi sila sa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kanya itong binigyan, at muli sila nag-hingi at kanya itong binigyan, hanggang sa naubos ang mayroon sa kanya, at sabi niya sa kanila nung ibinuwis niya ang lahat ng anu-ano nasa kamay niya: ((Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi))).
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
"Naghingi ang mga tao galing sa Ansar sa Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at binigyan ang mga ito, at muli silang nag-hingi sa kanya at binigyan ang mga ito, hanggang sa naubos ang nasa kanya, pagkatapos sinabihan niya sila na hindi pwede pag-kaitan niya sila ng kung anu-ano at hindi sila bibigyan, ngunit sadyang naubusan lang talaga siya, at hinimok niya sila para maging banal, makuntento, at mapag-timpi. Sinabihan niya sila na sinuman ang marunong makuntento sa kung anumang meron nasa kamay ng mga tao mula sa dakilang Allah; ay payayamanin o pakuntentohin sila ng dakilang Allah. Dahil ang tunay na yaman ay yaman sa puso, at kapag makuntento ang tao ay payayamanin siya ng dakilang Allah at hindi paaasahin sa mga tao, at magiging matibay ang loob, malayo sa pag-hingi. At sino man ang humihiling ng kadalisayan o kabanalan sa mga ipinagbabawal sa kanya ng dakilang Allah mula sa mga kababaihan ay gagawin siyang banal sa mga iyon, at protektahan siya pati na ang kanyang pamilya. At sino man ang humihiling na maging mapag-timpi ay ibibigay ito sa kanya ng dakilang Allah. At wala ng hihigit at gaganda pa na ipinagkaloob ng dakilang Alla o grasya na ibinigay sa tao mula sa sab'r (pag-timpi)".