إعدادات العرض
1- {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel
2- Hindi hiningan ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng anuman kailanman at nagsabi siya ng hindi.
3- Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi).
4- Ibigay ninyo sa akin ang damit ko,Kung nagmamay-ari lang ako tulad ng bilang ng Punongkahoy na Edhah na ito ng mga alagang Hayop,tunay na hinati ko na ito sa pagitan ninyo,at hindi ninyo ako makikitang [kabilang sa] Maramot,at hindi rin Sinungaling at hindi rin Duwag.
5- Na may isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal
6- Tunay na sila ay nagpapili sa akin: na humingi sila sa akin nang labis-labis o ituring nila akong maramot gayong ako ay hindi nagmamaramot.