Na may isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal

Na may isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal

Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya: "May isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal at nagsabi: 'Hinabi ko po ito ng mga kamay ko upang ipasuot ko sa iyo ito.' Tinanggap ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, yamang nangangailangan nito. Pumunta siya sa amin at tunay na ito ay naging tapis niya. May nagsabi: 'Ipasuot mo sa akin iyan; anong ganda niyan!' Nagsabi siya: 'Oo.' Naupo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagtitipon. Pagkatapos ay umuwi siya, tinupi ito, at ipinadala ito sa [taong] iyon kaya nagsabi ang mga tao roon: 'Hindi ka gumawa ng maganda! Isinuot na iyan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, yamang nangangailangan niyan. Pagkatapos ay hiningi mo iyan yamang nalalaman mo na siya ay hindi tumatatanggi sa nanghihingi.' Nagsabi ito: 'Tunay na ako, sumpa man kay Allah, ay hindi humingi sa kanya upang isuot ko ito; hiningi ko lamang [ito] sa kanya upang maging kafan ko.' At ito ay naging kafan niya.'"

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nito]

الشرح

Nasaad sa hadith ang pagtangkilik ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa iba higit sa sarili niya dahil siya ay nagbigay sa lalaking ito ng balabal na ito na kinakailangan niya dahil isinuot niya ito talaga, na siyang nagpapatunay sa tindi ng pangangailangan niya rito. May isang babae na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagregalo sa kanya ng isang balabal. Pumunta ang isang lalaki sa kanya at nagsabi: "Anong ganda nito!" Hiningi niya ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinaunlakan naman ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hinubad niya ito, tinupi ito at ibinigay ito roon. Binanggit ng ilan sa mga tapagapaliwanag na kabilang sa mga aral sa hadith na ito ay ang pagpapabiyaya sa mga naiwan ng mga matuwid na tao. Hindi gayon; ito ay ang pagpapabiyaya lamang sa pagkatao ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi maihahambing sa kanya ang iba pa sa kanya sa kalamangan at pagkamatuwid. Gayon din, ang mga kasamahan niya ay hindi gumagawa noon niyon sa iba pa sa kanya noong nabubuhay siya at matapos mamatay. Kung sakaling iyon ay mabuti talagang naunanahan na sana nila tayo roon at sa iba pa roon.

التصنيفات

Ang Regalo at ang Bigay, Ang Pagkamapagbigay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan