إعدادات العرض
Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya
Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî தமிழ்الشرح
Ang Islam ay nag-uutos ng pagsupil ng mga puso at pagpapaganda ng pakikitungo at pakikipag-usap, at nagbabawal ng bawat anumang ikasasama sa Muslim, ikatatakot niya, at nag-oobliga sa kanya na mag-isip ng masama. Kaya bahagi niyon na kapag sila ay tatlo at kapag nagbulungan ang dalawa at nagkasayahan ang dalawa nang hindi kasama ang ikatlong kasama, tunay na iyon ay ikasasama ng loob ng ikatlo at ikalulungkot niya. Makadarama siya na hindi siya karapat-dapat na mapabilang sa kanilang dalawa sa pag-uusap nila. Makadarama siya ng pag-iisa at pangungulila kaya dumating ang Batas ng Islam na nagbabawal sa ganitong uri ng pagbubulungan.