Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.

Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: "Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami" at sa ibang salaysay : " At ang nakasakay sa naglalakad"

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Hadith ay nagtuturo sa pagkakasunod ng kinakatawan sa sinumang dapat mauna sa pagbati,nabanggit niya ang apat na uro,ito ay [ang sumusunod]: Una:Na ang maliit ay babati sa malaki,bilang paggalang sa kanya.Pangalawa: Ang naglalakad ay nararapat na kanya na magsimula sa pagbati sa naka-upo,dahil siya ay nasa kalagayan na dumarating sa kanya.Pangatlo : Ang maraming bilang ay siyang may karapatan sa maliit na bilang,Higit na mainam na bumati ang kaunti sa karamihan.Pang-apat: Na ang nakasakay ay may magandang kalagayan dahil sa kainaman ng pagsakay,kaya`t ang pag-una niya sa pagbati ay kabilang sa pagpapasalamat niya sa Allah sa biyayang ipinagkaloob Nito sa kanya.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam