إعدادات العرض
"Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi siya: "Oo."
"Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi siya: "Oo."
Ayon kay Abū Al-Khaṭṭāb Qatādah na nagsabi: Nagsabi ako kay Anas: "Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi siya: "Oo."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Portuguêsالشرح
Ang sabi niya: "Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" ay nangangahulugang: Napagtibay at umiiral sa kanila sa sandali ng pagkikita nila matapos ang pagbati bilang karagdagan sa pagmamahal at pagpaparangal? Ang pakikipagkamayan ay sa pamamagitan ng kanang kamay. Kapag nangyari iyon tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanilang dalawa bago sila maghiwalay. Ito ay nagpapatunay sa kalamangan ng pakikipagkamay kapag nakatagpo ng Muslim ang kapwa niya. Ito ay kapag nakipagtagpo upang makipag-usap o anumang nakawangis niyon. Tungkol naman sa kung nakatagpo lamang sa daan, hindi bahagi ng patnubay ng mga kasamahan kapag naparaan lamang sa mga tao sa daan na makipagkamay; makasasapat na bumati sa kanila.