Walang ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah.

Walang ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah.

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya: "Walan ginawa ang anak ni Adan na gawaing higit na nakapagliligtas sa kanya mula sa pagpaparusa ni Allah kaysa sa pag-aalaala kay Allah."

[Tumpak dahil sa iba pa rito.] [Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah]

الشرح

Naghanda nga si Allah, pagkataas-taas Niya, para sa mga lingkod Niyang mananampalataya ng mga dahilang ikatatamo ng Paraiso at naipangsasanggalang sa Impiyerno. Kabilang sa mga dahilang ito ang pag-aalaala sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Ang hadith ay nagpatunay sa kainaman ng pag-alaala (dhikr) kay Allah at na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga dahilan ng pagkakaligtas sa mga kinatatakutan sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ito ay isa sa mga dahilan ng kaligtasan sa Impiyerno. Ang kainamang ito ay itinuturing na pinakadakila sa mga kainaman ng pag-alaala kay Allah (dhikr).

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr