Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!

Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!

Ayon kay Mu`āwiyah bin Ḥaydah, malugod si Allah sa kanya: "Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!"

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

May nasasaad sa hadith na matinding babala laban sa pagsisinungaling at banta ng kapahamakan sa nahihirati sa pagsisinungaling para magbiro at magpatawa sa mga tao. Ito ay kabilang sa pinakapangit sa mga pangit na gawain. Ipinagdidiinan ang pagbabawal rito sapagkat ito ay kabilang sa mga masagwang kaasalan na kinakailangang iwaksi ng mananampalataya, layuan, at linisin ang dila sa pagsisinungaling sa lahat ng kalagayan, maliban sa pinahintulutan ni Allah. Kung papaanong ipinagbabawal ang pagsasalita ng kasinungalingan para magbiro, gayon din ipinagbabawal sa mga tagapakinig ang pakikinig nito kapag nalaman nilang kasinungalingan ito, bagkus kinakailangang masamain nila ito.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang Etikang Kapula-pula, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik