Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo, kahit pa man siya ay nasa tama.

Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo, kahit pa man siya ay nasa tama.

Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa tama, ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitaasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya."

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ipinabatid ng Propeta, (s), na siya ay naggagarantiya ng isang bahay sa palibot ng Paraiso, sa labas nito, para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo kahit pa man siya ay nasa totoo hinggil doon dahil ito ay isang pagsasayang ng oras at isang dahilan ng pagkamuhi. Gayon din, naggagantriya siya ng isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pagsisinungaling at pagbabalita ng salungat sa tunay na pangyayari kahit pa man siya ay nagbibiro, at ng isang bahay sa kaitasan ng Paraiso para sa sinumang nagpaganda ng kaasalan niya kahit pa man sa pamamagitan ng pagpipilit sa sarili at pagsasanay nito.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri