إعدادات العرض
Ang paghahlintulad sa maramot at magpagbigay ay kahalintulad ng dalawang lalaking nakasuot ng baluting yari sa bakal mula sa dibdib nila hanggang sa balagat nila.
Ang paghahlintulad sa maramot at magpagbigay ay kahalintulad ng dalawang lalaking nakasuot ng baluting yari sa bakal mula sa dibdib nila hanggang sa balagat nila.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang paghahlintulad sa maramot at magpagbigay ay kahalintulad ng dalawang lalaking nakasuot ng baluting yari sa bakal mula sa dibdib nila hanggang sa balagat nila. Tungkol sa magpagbigay, tuwing gumuguol siya, lumalawak o lumalago, sa balat niya hanggang sa takpan nito ang mga dulo ng mga daliri at pinawi nito ang bakas niya. Tungkol naman sa maramot, tuwing nagnanais siyang gumugol ng anuman, dumidikit ang bawat argolya sa kinalalagyan nito at siya ay nagpapaluwag nito ngunit hindi ito lumuluwag."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français සිංහල Kurdî Русскийالشرح
Gumawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang paghahalintulad para sa maramot at mapagbigay. Inilarawan niya silang dalawa na dalawang lalaking nakasuot ang bawat isa sa kanilang dalawa ng baluti mula sa dibdib hanggang sa balagat, ang butong nasa pinakamataas na bahagi ng dibdib. Ang mapagbigay, sa tuwing gumugugol siya, lumalago at humaba ang baluti niya hanggang sa nahihila ito sa likuran niya at natatakpan ang mga paa niya at ang bakas ng paglalakad niya at mga hakbang niya. Ang maramot naman ay gaya ng lalaking ginapos ang kamay niya sa leeg niya. Sa tuwing nanaisin niyang kalagin ito, natitipon ito sa leeg niya at dumidikit sa balagat niya.