Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya

Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya

Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinapahayag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang isang lalaki ay naglalakad na may pagmamalaki sa kanyang sarili at siya ay nakasuot ng napakagandang damit,at nasuklay ang buhok,kaya`t pinapangyari ni Allah na lagumin siya ng lupa,gumuho sa kanya ang lupa at nilamon siya rito,nailibing siya na siya ay tumatalilis rito hanggang sa Araw ng Pagkabuhay; sapagkat-Ang pagpapakopkop ay sa Allah- nang magkaroon siya nitong pagmamalaki,at itong pagmamataas at itong pagkamangha sa sarili,nilagum siya rito.At ang sinabi nito:"Siya ay malulubog sa ilalim ng lupa" Malamang na siya ay nalulubog na siya ay buhay sa makamundong buhay,at mananatili ito na pinaparusahan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay;pinaparusahan siya sa ilalim ng lupa na siya ay may buhay,Pinaparusahan siya tulad ng pagpaparusa mga may Buhay;At malamang ,nang mangyaring siya ay nalibing sa lupa,namatay siya.tulad ng kautusan ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan-;Namatay siya ngunit gayunpaman siya nalulubog sa lupa,na siya ay patay na,Ang paglulubog niyang ito ay paglulubog sa pamumuhay ng libingan,Hindi natin nalalaman ang pamamaraan nito.Si Allah ang higit na nakaka-alam.Ang mahalaga ,ito ay kabayaran sa kanya,Ang pagpapakopkop ay sa Allah

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang Etikang Kapula-pula, Ang mga Kaasalan sa Kasuutan