إعدادات العرض
Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito.
Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito. Kapag nagkampo, iwasan ninyo ang daan sapagkat ito ay mga daanan ng mga hayop at tuluyan ng mga kulisap sa gabi."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdîالشرح
Nasaad sa ḥadīth ang pagsasaalang-alang sa mga kapakanan ng tao at mga hayop yamang ginabayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang mga manlalakbay sa mga kaasalang ito. Inatasan ang manlalakbay, kapag naglakbay sakay ng sasakyang hayop tulad ng mga kamelyo o mga asno o mga mola o mga kabayo, na kailangan niyang isaalang-alang ang kapakanan ng mga ito sa pagpapastol at paglakad dahil siya ay mananagot dahil sa mga ito. Kapag naglakbay sa mga araw ng pananagana ng tanim at kumpay, kailangan niyang maghinay-hinay at hindi magmadali sa paglalakbay hanggang sa maibigay sa mga hayop ang karapatan ng mga ito sa pagpapastol. Kapag naman naglakbay sa mga araw ng kasalatan ng tanim at kumpay,kailangan niyang magmadali sa abot ng kakayahan ng hayop nang sa gayon ay hindi mabigatan ang hayop at mapagod ito. Gayon din, inutusan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang manlalakbay na kapag nanuluyan siya sa gabi upang magpahinga at matulog, hindi niya gagawin iyon sa daan dahil ito ay mga daanan ng mga hayop ng mga manlalakbay na pabalik-balik doon. Hindi niya pagkakaitan ang mga ito ng mga daanan ng mga ito at magdahilan para sa mga ito ng kapinsalaan. Gayon din, dahil sa ito ay tuluyan ng mga kulisap at mga hayop ng lupa na mga may kamandag at mga mabangis na hayop, na naglalakad sa gabi sa mga daanan dahil sa kadalian ng pagdaan dito at dahil sa ang mga iyon ay nakapupulot mula sa mga ito ng nalalaglag na pagkain at tulad nito.