Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya.

Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya.

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya." Sa isang pananalita: "Sapagkat tunay na ang bumabawi sa kawanggawa niya ay gaya ng asong sumusuka pagkatapos ay kumakain sa isinuka nito."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ginawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, bilang isang paghahalintulad sa pagpapaudlot sa pagbawi ng regalo sa pinakakarumal-dumal anyo: na ang bumabawi niyon ay gaya ng asong sumusuka, pagkatapos ay babalikan nito iyon at kakainin. Kabilang ito sa nagpapatunay sa pagkakarumal-dumal ng kalagayang ito, pagkahamak nito, at pagkaaba ng gumagawa nito.

التصنيفات

Ang Regalo at ang Bigay