Humatol ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [ng pagsang-ayon] sa habang-buhay na kaloob para sinumang ipinagkaloob ito sa kanya.

Humatol ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [ng pagsang-ayon] sa habang-buhay na kaloob para sinumang ipinagkaloob ito sa kanya.

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Humatol ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [ng pagsang-ayon] sa habang-buhay na kaloob para sinumang ipinagkaloob ito sa kanya." Sa isang pananalita: "Ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob: para sa kanya at para sa supling, tunay na ito ay ukol sa binigyan nito at hindi ito babalik sa nagbigay nito dahil tunay na siya ay nagbigay ng isang bagay na ipinatupad dito ang mga patakan ng pagpapamana." Nagsabi si Jābir: "Ang habang-buhay na kaloob na pinahintulutan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay sabihin lamang: "Ito ay para sa iyo at para sa supling" ngunit kapag naman nagsabi: "Ito ay para sa iyo hanggat nabubuhay ka," tunay na ito ay babalik sa may-ari nito. Sa isang pananalita ayon kay Imām Muslim: "Panatilihin ninyo sa inyo ang mga ari-arian ninyo at huwag ninyong lustayin ang mga ito sapagkat tunay na ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob, ito ay para sa pinagkalooban nito: buhay man o pata, at para sa supling niya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang habang-buhay na kaloob at ang tulad nito: ang ruqbā, ay dalawang uri ng regalo na tinatanggap nila noong Panahon ng Kamangmangan. Ang isang lalaki ay nagbibigay, sa isang lalaking ng bahay, halimbawa, o ng iba pa sa pamamagitan ng pagsabi niya: "Habang-buhay kong ipinagkakaloob sa iyo ito o ibinibigay ko sa iyo ito habang buhay mo o habang buhay ko." Sila noon ay nag-aabang sa kamatayan ng pinagkalooban upang bawiin nila ang kaloob nila. Inayunan ng Batas ng Islām ang pagkakaloob at pinawalang-saysay ang kundisyong nakasanayan para rito, ang pagbawi, dahil ang bumabawi ng kaloob niya ay gaya ng asong sumusuka at pagkatapos ay kinakain nito ang isinuka nito. Dahil dito, humatol ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang sang-ayon sa habang-buhay na kaloob para sa sinumang pinagkalooban: para rito at para sa supling nito kapag wala na ito. Pinaalalahanan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa pangangalaga sa mga ari-arian nila dahil sa pag-aakala nila sa kawalan ng pananatili ng kundisyong ito at pagkaipinahihintulot ng pagbawi nito. Nagsabi siya: "Panatilihin ninyo sa inyo ang mga ari-arian ninyo at huwag ninyong lustayin ang mga ito sapagkat tunay na ang sinumang pinagkalooban ng habang-buhay na kaloob, ito ay para sa pinagkalooban nito: buhay man o pata, at para sa supling niya."

التصنيفات

Ang Regalo at ang Bigay