إعدادات العرض
Itinadhana ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang shuf`ah sa bawat hindi mahahati; ngunit kapag naitakda ang mga hangganan at nailatag ang mga daan, wala nang shuf`ah.
Itinadhana ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang shuf`ah sa bawat hindi mahahati; ngunit kapag naitakda ang mga hangganan at nailatag ang mga daan, wala nang shuf`ah.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Itinalaga (sa ibang pananalita: Itinadhana) ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang shuf`ah sa bawat hindi mahahati; ngunit kapag naitakda ang mga hangganan at nailatag ang mga daan, wala nang shuf`ah."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Portuguêsالشرح
Ang Marunong na Sharī`ah ay dumating upang patotohanan ang katotohanan at ang katarungan, at itaboy ang kasamaan at ang kapinsalaan. Dahil dito, tunay na yayamang ang sosyohan sa mga real estate ay dumarami ang mga kapinsalaan nito, humahaba ang mga kasamaan nito, at humihirap ang paghahati sa mga ito, pinagtibay ng Marunong na Tagapagbatas ang shuf`ah para sa kasosyo. Nangangahulugan itong kapag ipinagbili ng isa sa magkasosyo ang parte niya sa real estate na komun sa kanila, karapatan ng kasosyong hindi nagbenta ang kumuha ng parte mula sa bumili ayon sa tulad ng presyo bilang pagtutulak sa pinsala nito dahil sa sosyohan. Ang karapatang ito ay napagtibay para sa kasosyo hanggat ang real estate na komun sa kanila ay hindi pa nahati ni nalaman ang mga hangganan nito ni nailatag ang mga daan nito. Matapos namang malaman ang mga hangganan at mapaglinawan ang mga ito sa pagitan ng dalawang bahagi, at matapos mailatag ang mga kalye nito, wala nang shuf`ah dahil sa paglaho ng kapinsalaan ng sosyohan at ng paghahalong napagtibay alang-alang dito ang pagkakarapat-dapat ng pag-aalis ng paninda mula sa mamimili.التصنيفات
Ang Pagkauna sa Karapatang Bumili