Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel

Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel

Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth na ito ay na ang tao, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang maysakit, siya ay nasa sandali ng pamimitas sa Paraiso. Ang kabutihang-loob ni Allah ay malawak. Ito ay nagpapahiwatig ng kalamangan ng pagdalaw sa maysakit, at na kapag ito ay sa umaga ay magkakamit siya ng kabayarang ito at kapag naman sa gabi ay magkakamit din siya ng kabayarang ito.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos, Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit