إعدادات العرض
Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya.
Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya.
Ayon kay Suhayl na nagsabi: Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya. Pagkatapos ay magsasabi: "Allāhumma rabba -ssamāwāti -ssab`i wa rabba -l’arḍi wa rabba -l`arshi -l`ađīm, rabbanā wa rabba kulli shay’, fāliqa -lḥabbi wa -nnawā, wa munzila -ttawrāti wa -l’injīli wa -lfurqān, a`ūdhu bika min sharri kulli shay’in anta ākhidhum bināṣiyatih; Allāhumma anta -l’awwalu falaysa qablaka shay’, wa anta -l’ākhiru falaysa ba`daka shay’, wa anta -đđāhir falaysa fawqaka shay’, wa anta -lbāṭinu falaysa dūnaka shay’, iqḍi `annā -ddayna wa aghninā mina -lfaqr (O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, tapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nangingibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Nakaaarok kaya walang anuman sa ilalim Mo. Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan)." Isinaysay niya noon iyon ayon kay Abū Hurayrah, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-uutos noon sa mga lingkod niya, kapag ninais ng isa sa kanila na matulog, na ilapag ang kanang tagiliran niya sa higaan pagkatapos ay magsabi: "O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay..." Nangangahulugan ito: O Panginoon ng mga langit at lupa, Tagapaglikha ng mga ito, Tagapagmay-ari ng mga ito, Tagapag-alaga ng mga naninirahan sa mga ito, Panginoon ng Tronong dakila, Tagapaglikha nito, Tagapagmay-ari nito, Tagapaglikha ng lahat ng mga tao, Tagapagmay-ari nila, Tagapag-alaga nila, at Panginoon ng bawat bagay. Ang "tagapagpabuka ng mga butil at mga buto" ay nangangahulugang: O bumiyak sa mga ito, patubuin mo mula sa mga ito ang pananim at ang datiles. Ang pagtatangi sa pagbanggit ay dahil sa kalamangan ng mga ito o dahil sa dami ng mga ito sa mga lupain ng mga Arabe. Ang "tapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān" ay nangangahulugang: O nagpababa ng Torah kay Moises, ng Ebanghelyo kay Jesus, at ng Qur'ān kay Muḥammad, pagpalain sila ni Allāh at pangalagaan. Ang "nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito" ay nangangahulugang: Nagpapakanlong ako at nagpapakalinga ako sa Iyon laban sa kasamaan ng bawat bagay na kabilang sa mga nilikha dahil ang lahat ng mga ito ay nasa kapamahalaan Mo, paghawak Mo, at pangangasiwa Mo. Ang "O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nangingibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Kalaliman kaya walang anuman sa ilalim Mo." ay ipinaliwanag ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang apat na pangalang ito nang malinaw na pagpapaliwanag. Ang una ay nagpapatunay na ang bawat iba pa sa Kanya ay isang pangyayaring nagaganap matapos hindi naganap, at nag-oobliga sa tao na pansinin ang kainaman ng Panginoon niya sa bawat pagpapalang panrelihiyon at pangmundo dahil ang dahilan at ang epekto ay mula sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Ang ikalawa ay nagpapatunay na Siya ay ang Mananatili at ang sinumang iba pa sa Kanya ay maglalaho, na Siya ay ang Dulugan, na tumutuon sa Kanya ang mga nilikha dahil sa pagkadiyos Niya sa mga ito, pagkaibig ng mga ito, pagkasindak ng mga ito, at lahat ng mga hiling ng mga ito. Ang nangingibabaw ay nagpapatunay sa kadakilaan ng mga katangian Niya at paglalaho ng bawat bagay sa harap ng kadakilaan Niya, na mga katawan at mga katangian; at nagpapatunay ito sa kataasan Niya sa lahat ng mga nilikha ayon sa kataasang tunay. Ang kalaliman ay nagpapatunay sa pagkakabatid Niya sa mga lihim, mga budhi, mga nakatago, mga nakakubli, at mga kaliit-liitang detalye ng mga bagay kung papaanong nagpapatunay ito sa kalubusan ng pagkamalapit Niya at kalapitan Niya. Hindi nagkakasalungatan ang nangingibabaw at ang kalaliman dahil si Allāh ay walang katulad na anuman sa lahat ng mga katangian. Siya ay ang Mataas kalapitan Niya, ang Malapit sa kataasan Niya. "Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan." Pagkatapos ay humiling siya kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na wakasan para sa kanya ang pagkakautang niya at payamanin siya mula sa karalitaan.