Ang mga pinakamabuti sa mga pinuno ninyo ay ang iniibig ninyo sila at iniibig nila kayo, at dumadalangin kayo para sa kanila at dumadalangin sila para sa inyo. Ang pinakamasama sa mga pinuno ninyo ay ang kinamumuhian ninyo sila at kinamumuhian nila kayo, at isinusumpa ninyo sila at isinusumpa nila…

Ang mga pinakamabuti sa mga pinuno ninyo ay ang iniibig ninyo sila at iniibig nila kayo, at dumadalangin kayo para sa kanila at dumadalangin sila para sa inyo. Ang pinakamasama sa mga pinuno ninyo ay ang kinamumuhian ninyo sila at kinamumuhian nila kayo, at isinusumpa ninyo sila at isinusumpa nila kayo.

Ayon kay `Awf bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Ang mga pinakamabuti sa mga pinuno ninyo ay ang iniibig ninyo sila at iniibig nila kayo, at dumadalangin kayo para sa kanila at dumadalangin sila para sa inyo. Ang pinakamasama sa mga pinuno ninyo ay ang kinamumuhian ninyo sila at kinamumuhian nila kayo, at isinusumpa ninyo sila at isinusumpa nila kayo. " Nagsabi ito: "Nagsabi kami: O Sugo ni Allah, kaya kakalabanin po ba namin sila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat pinanatili nila sa inyo ang pagdarasal."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpatunay ang ḥadīth na mayroon sa mga namamahala sa mga Muslim na mga matuwid at mayroon sa kanila na mga buktot at mga kakaunti ang pagrerelihiyon. Sa kabila niyon, hindi ipinahihintulot ang maghimagsik laban sa kanila hanggat sila ay mga nangangalaga sa pagpapanatili sa mga pagsamba sa Islam at ang pinakatiyak sa mga ito ay ang pagdarasal.

التصنيفات

Ang Karapatan ng Pinuno sa Pinamumunuan