Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang pirasong magkakahiwalay, na ang bawat piraso ay nasa isang lugar. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka." Nangangahulugan ito: O Allāh, sumaksi Ka laban sa kanila na ipinakita Mo sa kanila ang patunay sa himala ko at pagkapropeta ko.