Sinuman ang nakarinig ng Panawagan at hindi siya dumating rito,Hindi katanggap-tanggap ang Dasal niya,maliban sa may mabigat na dahilan

Sinuman ang nakarinig ng Panawagan at hindi siya dumating rito,Hindi katanggap-tanggap ang Dasal niya,maliban sa may mabigat na dahilan

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:((Sinuman ang nakarinig ng Panawagan at hindi siya dumating rito,Hindi katanggap-tanggap ang Dasal niya,maliban sa may mabigat na dahilan))

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Nag-aanyaya ang Hadith na ito sa pangangalaga sa pagdarasal ng Jama`ah,at pag-aalala rito ng ganap na pag-aalala,Tunay na ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na sinuman ang nasa lugar na naririnig niya ang Panawagan [Azan] sa pagdadasal ng Jama`ah.ay nararapat sa kanya ang pagdalo,At kapag hindi siya dumalo,ang dasal niya ay magiging kulang,kaunti ang gantimpala,ngunit siya ay magagantimpalaan dahil sa pagganap niya [sa tungkulin],namay kasamang kaparusahan dahil sa dala nitong pagsuway sa [pagdarasal kasama ang] Jama`ah na walang mabigat na kadahilanan, Ngunit ang sinumang sumuway nito dahil sa mabigat na dahilan na ipinapahintulot sa Batas ng Islam,tulad ng pagsakit o ulan o pagkatakot sa sarili niya o sa Yaman o sa anak at sa anumang kahilintulad nito,Walang magiging kasalanan sa kanya.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito