إعدادات العرض
Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah
Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah
Ayon kay Abe Mas-ud malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah,At kapag sa pagbabasa ,sila ay magkapantay,[piliin] ang pinakamainam sa kanila sa Sunnah,At kapag sa Sunnah sila ay magkapantay,[piliin] Ang pinaka-una sa kanila sa Paglikas,at sa Paglikas sila ay magkapantay,[piliin] ang pinaka-una sa kanila sa pagyakap sa Islam,At hinding-hindi mangunguna [sa pagdarasal] ang isang lalaki sa isang lalaki na nasa loob ng pamamahala niya,at hindi siya uupo sa loob ng bahay niya,sa kama niya liban sa Pahintulot niya.
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 Kurdîالشرح
Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang napakaraming bagay:Una nito:Ang nagmamay-ari ng karapatan sa pagiging Imam,siya ay yaong may pinamaraming naisa-ulo sa Qur-an,Ngunit dapat din na may taglay na kaalman sa Panuntunan ng Pagdarasal;Sapagkat hindi nararapat sa isang mangmang sa panuntunan ng pagdarasal na maging Imam sa mga Tao,At kapag nagkapantay sa naisa-ulo,[Piliin] ang pinakamaalam sa Sunnah,at kapag nagkapantay sila dito,[Piliin] ang nangunguna sa kanila sa Paglikas,at kapag nagkapantay sila dito,[Piliin] ang nangunguna sa kanila sa pagyakap sa Islam,Ang ikalawa nito:Ang Hindi mangunguna ang bisita sa may-ari ng bahay sa pagiging Imam,Liban kung ito ay pinahintulutan niya,Sapagkat ang may-ari ng bahay ang higit na karapat-dapat dito kaysa bisita,Ang ikatlo nito:Ang hindi pag-upo ng bisita sa higaan ng may-ari ng bahay na para lamang sa kanya;liban sa pahintulot niya.