Nag-away ang dalawang kababaihan mula sa Hudhayl.Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng bato,Napatay niya ito at ang nasa sinapupunan nito

Nag-away ang dalawang kababaihan mula sa Hudhayl.Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng bato,Napatay niya ito at ang nasa sinapupunan nito

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:(( Nag-away ang dalawang kababaihan mula sa Hudhayl.Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng bato,Napatay niya ito at ang nasa sinapupunan nito.Nagpahatol sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naghatol ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang kabayaran sa (namatay) na sanggol ay alipin-lalaki man o babae-At naghatol siya sa kabayaran ng babaeng (namatay), sa kamag-anak (ng nakapatay),at ipapamana niya ang mamanahin niya sa anak niya at sa sinumang mga kasamahan niya,Tumayo si Hamal bin Al-Nabigah Al-Hudhalie,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah-Papaano ko babayaran ang uminom na hindi naman kumakain at hindi nakakapagsalita at hindi narinig ang boses niya;Ang katulad nito ay dapat binabali-wala? Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Tunay na ito ay kabilang sa mga kapatid ng Manghuhula)) dahil sa pagtutula nito na tinula niya.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpahatol ang dalawang kababaihan na may asawa mula sa tribo ng Hudhayl,Nagbatuhan ang bawat isa sa kanila ng maliliit na bato na hindi pangkaraniwang nakakamatay,Ngunit napatay niya ito at napatay din ang bata sa sinapupunan niya,Naghatol ang Propeta pagpalain siya ni Allah at :Na ang kabayaran sa sinapupunan ay, aliping lalaki o babae,maging ang sanggol man ay lalaki o babae,At ang kabayaran ay sa babaeng nakapatay,at naghatol siya sa babaeng namatay ng kabayaran dahilan sa ang pagkamatay niya ay kahalintulad nang sinadya,at ito ay (mababayaran) nang kamag-anak ng babaeng (nakapatay) Sapagkat ang tinitingnan rito ay sa pagtutulungan at pagpapantay,At gayundin dahil sa ang uri ng Pagpatay ay hindi sinasadya,At dahil sa ang Kabayaran ay ang Mana pakatapos ng napatay, tunay na makukuha ito ng anak niya at sinumang kasamahan niya na tagapag-mana,at wala sa mga kamag-anak ng (nakapatay ang mamanahin) kahit na maliit na bagay,Nagsabi si Hamal bin An-Nābigah-Na siyang ama ng nakapatay-O Sugo ni Allah,Papaano namin babayaran ang nahulog na patay,hindi nakakain at hindi naka-inom at hindi narinig ang boses upang malaman ang pagkabuhay nito?Sinasabi niya ito sa paraan na pakikipag-usap na patalinghaga.Ikinamunghi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ang salita niyang ito,Dahil sa napapaloob dito na pagtanggi sa Panuntunan ng Islam dahil sa patalinghagang ito na nag-uutos,na kahalintulad sa patalinghagang (salita) ng mga Manghuhula at sila ay ang kumakain sa mga kayamanan ng mga Tao,na ipinagbabawal.

التصنيفات

Ang mga Pagbabayad-pinsala