Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga nakakapinsala

Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga nakakapinsala

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: "Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay ginagamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga bagay na nakakapinsala" Ayon kay Hafsah-malugod si Allah sa kanya- Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ginagamit niya ang kanan niya sa pagkain niya at pag-inom niya at pagdamit niya,at ginagamit niya ang kaliwa niya,maliban pa sa mga ito"

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ipinapahayag ni `Aishah malugod si Allah sa kanya-Kung ano ang ginagamitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanang [kamay],At kung ano ang ginagamitan niya sa kaliwa.Nabanggit niya na ang mga bagay na ginagamitan niya sa kaliwa ay yaong mga bagay na nakakapinsala, tulad ng paglilinis ng dumi gamit ang tubig at paaglilinis ng dumi gamit ang bato,Pagsinghot at Pagsinga,at ang mga tulad pa nito.Sa lahat ng bagay na may kaakibat na nakakapinsala,inuuna niya rito ang kaliwa,at sa mga bagay na maliban dito,inuuna niya ang kanang bilang pagpaparangal rito.Sapagkat ang kanan ay higit na mainam sa kaliwa.At ang Hadith na ito ay napapaloob sa mga kainaman ng Pag-una sa Kanan.At kabilang sa mga kapakanan nito ay pagpaparangal.At ang sinabi niya:malugod si Allah sa kanya:"Ang Kamay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanan [ay gingamit niya sa paglilinis niya at pagkain niya,At ang Kaliwa ay [ginagamit niya] sa palikuran niya at sa anumang mga bagay na nakakapinsala" Sa pagkasabi niya na "Sa paglilinis niya" Ibig sabihin: Kapay siya ay naglilinis ,nagsisimula siya sa kanan.Nagsisimula siya sa paghuhugas ng kanang kamay niya bago ang kaliwa.At nagsisimula siya sa paghuhugas na kanang paa niya bago ang kaliwa.At ang dalawang tainga,ito ay isang bahagi lamang na kasama na sa ulo.Pupunasan niya ito lahat. maliban kung wala siyang kakayahang magpunas maliban sa isang kamay lamang,kung magkagayun ay magsimula siya sa may bandang kanan niyang tainga,dahil sa may mabigat na kadahilanan.Sa pagsabi niya: At sa pagkain niya" Ibig sabihin ay: Sa pagkain niya ng pagkain."At ang Kaliwang kamay niya ay [ginagamit niya] sa palikuran" Ibig sabihin ay:Para sa paglilinis niya ng dumi ,gamit ang tubig,at paggamit ng mga bato,at pagtanggal ng mga dumi." at sa anumang mga bagay na nakakapinsala"Tulad ng pag-alis niya sa mga dura at uhog at kabilang rin dito ang pag-alis sa mga kuto.At ang Hadith ni Hafsah ay nagpapatibay sa mga naunang Hadith ni `Aishah;Na siyang dumating bilang Pagpapahayag sa kainaman ng pagsisimula sa Kanan, sa pamamaraan niyang Pagpaparangal,at pag-uuna sa kaliwa ,sa pamamaraan niya sa [pagtanggal ng] nakakapinsa at mga dumi;tulad ng Paglilinis ng dumi gamit ang tubig at Paglilinis ng dumi gamit ang bato,at sa mga katulad pa nito.

التصنيفات

Ang Pagkain Niya at ang Inumin Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan, Ang Patnubay Pampropeta